MGA BEKI PWEDE NANG MAGKAANAK

MGA BEKI PWEDE NANG MAGKAANAK

July 13, 2021 @ 7:54 PM 1 year ago


MAGKAKAIBA ang mga bansa sa pagtrato sa mga kasapi ng LGBTQ+ o lesbian, gay, bisexual, transgender, queer o questioning at iba pa.

May mga bawal, may nga hindi bawal, may naghalong bawal at hindi bawal para sa kanila sa mga batas na umiiral o sa tingin ng lipunan.

SA ISRAEL

Kalalabas lang ang desisyon ng Korte Suprema ng Israel ukol sa karapatang magkaanak ng mga beki at iba pang nagsasamang “mag-asawa” na iisa ang kasarian.

Para malinaw, kung magsama bilang “mag-asawa” ang dalawang lalaki o dalawang babae, natural na hindi magkaanak ang mga ito.

Kailangan kasing may may babae at lalaki na magtatalik upang magkaroon ng baby.

Never na mangyari ito sa mga mag-asawang lalaki o babae, maliban lang sa parte ng mga may dalawang ari.

Ayon sa desisyon, pwede nang maghanap ng surrogate mother o pagtataniman ng binhi o punlang tao ang mga beki para magkaroon sila ng anak?

Malamang na hagip na rin ng batas ang nagsasamang parehong babae.

‘Yun bang === pwede na rin silang magpapunla para magkaanak rin sila?

ANG BATAS O LAW ON SURROGACY

Nauna rito, nagkaroon ang Israel ng batas na nagpapahintulot sa mag-asawang hindi nagkakaanak ng karapatang magkaroon ng anak mula sa ibang babae.

‘Yun bang === pagsasamahin ang semilya ng lalaki at egg ng misis niya para ipunla sa babaeng may kakayahang alagaan sa kanyang sinapupunan at iluwal sa huli ang baby.

Ibibigay ng babae sa mag-asawa ang baby kalaunan.

Sa paggana ng law on surrogacy para sa mga beki, pwede bang makipag-sex si mister o si misis na lalaki rin sa iba para lang mabuntis niya ito?

O pwede bang ipunla lang ang sperm ng dalawang lalaki  sa babae at kung nabuntis ito ay maituturing na anak ng mga beki ang iluluwal ng babae?

Paano naman ang sa parte ng mga lesbian na karaniwa’y nagbubuntis din dahil babae naman talaga sila?

Maaari bang kumuha sila ng sperm ng lalaki at saka ipupunla sa kanila?

Basta ang malinaw, pinahihintulutan ng batas ang pagkakaroon ng babae na tagaanak para sa iba.

At pwede nang sumali rito ang mga beki at lesbian.

Ito ang ipinaglaban ng mga LGBTQ+ sa matagal na panahon na ngayo’y ligal nang karapatan ng mga beki at iba pang nasa-same sex union.

Dahil sa bagal ng Kongreso sa Israel na magpasa ng batas para rito, nagdesisyon na mismo ang Korte Suprema.

Kaya lang, wala pang pinahihintulutan na makasal nang ligal sa mga nagsasamang magkapareho ang kasarian.

WALA SA PILIPINAS

Sa mahal kong Pinas, wala pang ganitong mga batas.

‘Yun bang === nagpapahintulot ng babaeng tagaanak ng iba.

At itong pinakahuling batas na ligal na magkaroon ng anak ang mga nasa same sex union.

Pero nagaganap ang mga ito at may mga sumasali na Pinoy.

Meron ngang sikat na beautician na nagkaroon ng mga anak mula sa ibang babae pero hindi malinaw kung semilya niya ang ginamit o hindi.

Malaya ang lahat ng Pinoy na gumawa ng gusto nila subalit may mga hindi pa pinahihintulutan.

Kasama na riyan ang bawal na kasal ng magkapareho ang kasarian, kahit pumunta sila sa ibang bansa basta Filipino national pa rin sila.

Pero ‘yung iba, pumupunta sa ibang bansa para magpakasal kahit alam nilang hindi kinikilala ang kasal sa Pilipinas.

SA IBANG BANSA

Karaniwang nilulutas sa ibang bansa ang ibang mga problema gaya ng same sex-marriage at karapatang magkaroon ng anak sa pamamagitan ng adoption.

Kapag pinayagan ang pagpapakasal ng magkapareho ang kasarian, gaya ng The Netherlands na kauna-unahang bansa sa mundo na nagsabatas ng legal marriage ng mga beki at lesbian, kasunod na rin ito ng karapatang magkaroon ng anak sa pamamagitan ng adoption.

May iba namang bansang tahasang ipinagbabawal mismo ang anomang uri ng LGBTQ at tinatanggalan sila ng karapatang maglunsad ng anomang pagkakakilanlan sa kanila gaya ng mga ginagawang Pride Month.

Meron ngang bansa na bawal silang gumamit ng social media upang hindi makapaghasik ng dayuhang idolohiya ang mga LGBTQ at meron ding nagbabawal na isama sa school curriculum ang ukol sa mga karapatang ng mga ito.

Pero iba sa Israel dahil lantad na lantad ang mga LGBTQ at halos buo ang kanilang kalayaan bilang bahagi ng lipunang Israel.

Maging sa pulisya at military, lantad sila bilang mga opisyal o ordinaryong pulis at sundalo.