Mga bida sa Netflix series “Luke Cage” at “Iron Fist”, pa-Maynila ngayong buwan

Mga bida sa Netflix series “Luke Cage” at “Iron Fist”, pa-Maynila ngayong buwan

July 12, 2018 @ 6:18 PM 4 years ago


 

Bibisita sa bansa ngayong buwan ang Hollywood actor na si Mike Colter,  na kilala sa net series na “Luke Cage”.

Makakasama ni Colter si Finn Jones na bida sa “Iron Fist” para sa AsiaPOP Comicon Manila.

Ito ang kinumpirma ng mga producer ng Luke Cage at Iron Fist.

Bukod dito, magkakaroon din ng pasilip sa mga susunod nilang ipapalabas at ilang mga behind the scenes ng “Castlevania” at”Godzilla: Planet of the Monsters.”

Ang AsiaPOP Comicon Manila ay gaganapin sa July 27 hanggang 29. (Remate News Team)