Mga biktima ng Abra earthquake posibleng makatanggap ng P10,000 cash aid – DSWD

Mga biktima ng Abra earthquake posibleng makatanggap ng P10,000 cash aid – DSWD

July 28, 2022 @ 5:24 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Posibleng makatanggap ang mga biktima ng Abra earthquake ng hanggang P10,000 cash assistance mula sa pamahalaan, ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) nitong Huwebes.

Sinabi ni DSWD Assistant Secretary Rommel Lopez na naipalabas na ng departamento ang inisyal na P10 milyon para sa mga biktima ng magnitude 7.0 lindol na yumanig sa Abra at bahagi ng Luzon nitong Miyerkules ng umaga.

“Ang sinisiguro ni [Social Welfare Secretary] Erwin Tulfo, naka-ready ‘yung ating mga pang-ayuda sa ating mga kababayan. At this point in time, naglabas na ng initial na P10 million ‘yung DSWD,” pahayag ni Lopez sa Laging Handa briefing.

“’Yung ating mga kababayan na naging biktima ng sakunang ito, maaari po silang tumanggap ng P5,000 to P10,000 under ito ng Assistance to Individuals in Crisis Situation o AICS,” paliwanag pa niya.

Inilahad din ni Lopez na ia-assess ng departamento ang mga benepisyaryo para sa cash aid. “Ia-assess lang po kayo ng ating mga social welfare officer at sisiguraduhin naming mapapabigay sa inyo ang mga ayuda na ‘yan.”

Kasalukuyang nasa Abra si Tulfo is upang suriin ang sitwasyon ng mga biktima sa lugar.

Bumisita rin si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. also sa probinsya kung saan nagsagawa ng isang situation briefing ngayong Huwebes. RNT/SA