Mga biktima ng lindol sa Abra, may sapat na pagkain – PBBM

Mga biktima ng lindol sa Abra, may sapat na pagkain – PBBM

October 26, 2022 @ 5:24 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – May sapat na pagkain at masisilungan ang mga survivors ng kamakailan lamang na paglindol sa Abra.

Sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na naka-monitor siya sa sitwasyon sa nasabing lugar.

“We do not have a critical problem when it comes to food and shelter. That is the most important part of the relief that we have to provide now for the people affected by the earthquake last night,” ayon kay Pangulong Marcos sa isang panayam matapos dumalo sa National Information and Communications Technology Summit 2022 sa Manila Hotel.

Tinukoy ng Pangulo na may mga pamilya ang humihiling ng tents dahil sa pangamba sa kanilang kaligtasan bunsod ng posibleng aftershocks matapos ang magnitude 6.4 na pagyanig.

Winika pa nito na nananatiling nakasara ang mga eskuwelahan ngayon para masiguro ang structural integrity ng mga gusali para sa kaligtasan ng mga estudyante.

Samantala, naibalik naman na ang suplay ng kuryente sa Ilocos Norte at Ilocos Sur ayon kay Marcos.

Hanggang sa ngayon ay hinihintay naman niya ang progress reports na magmumula sa Abra

“I think parts, the last I heard, the last parts of the – of Abra province have already have power restored,” aniya. Kris Jose