Mga bilanggo sa NBP pwede na ulit dalawin – NBP

Mga bilanggo sa NBP pwede na ulit dalawin – NBP

October 30, 2022 @ 3:43 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Ibinalik ng Bureau of Corrections (BuCor) ang visitation privileges ng mga nakabilango sa maximum-security compound partikular sa Building 14-Special Housing Unit (SHU) ng National Bilibid Prison (NBP).

Nabatid na pinayagan muli ni Acting Superintendent, NBP-MaxSeCom, CCInsp. Lucio C. Guevarra ang pagbisita ng mga mahal sa buhay ng mga persons deprived of liberty (PDLs) upang mapaangat ang kanilang moral at mabawasan din ang pagkabalisa at homesickness.

Maari aniyang bisitahin ang kanilang mga kaanak sa SHU batay sa schedules.

Hinihikayat din ang mga bibisita na sundin ang safety protocols at ipinaiiral na procedures ng Building 14-SHU.

Mahigpit na paiiralin pa rin ang body searching upang masiguro ang kaligtasan ng mga nasa Bucor.

Una nang sinuspinde ng BuCor ang visitation privileges ng mga PDL dahil sa COVID-19 pandemic. Teresa Tavares