Mga bise gobernador ng bansa pinapurihan ni Bong Go

Mga bise gobernador ng bansa pinapurihan ni Bong Go

December 4, 2022 @ 10:55 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Pinapurihan ni Senador Christopher “Bong” Go ang mga bise gobernador na patuloy na tumutupad sa kanilang pangako na tulungan ang kanilang constituents na makayanan ang epekto ng COVID-19 pandemic at iba pang krisis.

Ginawa ng senador ang pahayag nang personal itong dumalo sa 91st National Assembly of the League of Vice Governors of the Philippines (LVGP) sa Sofitel Philippine Plaza Manila noong Huwebes, December 1.

Nanawagan din si Go sa public officials na ipagpatuloy ang pagsusulong ng culture of inclusivity at bigyan ng kapangyarihan ang mga constituent na lumahok sa sama-samang hakbang upang malagpasan ang iba’t ibang krisis.

Kasabay nito ay ang pagbibigay diin na dapat magtulungan ang pamahalaan at ang taumbayan sa pagbangon, lalo’t higit ang mga nangangailangan ng suporta.

“Salamat po sa inyong serbisyo sa ating mga kababayan… Kadalasan sa inyo ay matagal na rin po sa gobyerno. Pero, kasama n’yo po ako sa pagseserbisyo po sa tao. At ayaw ko pong mangako but I will just do my best po sa abot ng aking makakaya, makatulong po sa inyo,” sabi ni Go.

Muli ring inihayag ng senador ang kahalagahan ng pagpapalakas sa kapabilidad ng local government units sa pagtugon sa mga pangangailangan ng kanilang constituents.

“Gusto kong isa-isahing pasalamatan ang mga nandirito. Salamat sa pag-imbita ninyo po sa akin. Maalala ko no’ng mga nakaraang buwan, bumisita po kayo sa opisina. Alam ‘n’yo mga vice governor, karamihan dito ‘yung iba mga dumaan na po sa pagka-governor. Gusto kong bigyang-pugay po kayong lahat dahil para sa akin, lahat po kayo ay mga superstar in your own right sa inyong mga lugar,” anang mambabatas..

“Basta sa abot po ng aking makakaya, nandirito naman po ako na tutulong sa inyong lugar. Kung trabaho lang po ang pag-uusapan, utusan n’yo lang po ako, sanay ako sa trabaho. Umaga, tanghali, hapunan hanggang sa panaginip, trabaho pa rin ang nasa isip ko… Ayaw kong mangako pero I’ll try my best po na tumulong sa inyong mga lugar lalung-lalo na po sa mga mahihirap, ’yung mga walang matakbuhan, ’yung mga helpless at hopeless. Iyon po ang tulungan natin. Magkaisa po tayo diyan,” pagtitiyak pa niya.

Pinasalamatan ni Go ang mga miyembro ng LVGP sa pagbibigay lagi ng suporta sa mga hakbang ng national government at para sa pagpapatuloy ng kampanya ni dating Pangulong Rodrigo Duterte laban sa iligal na droga.

“Ako naman bilang Chair po sa Sports (Senate Committee), advocacy ko rin sports. Gusto ko pong ipagpatuloy ‘yung kampanya ni (dating) pangulong Duterte na labanan ang kriminalidad at ang iligal na droga sa pamamaraan na engganyuhin po ang mga kabataan to get into sports, stay away from drugs. Iyon po ang isa sa pamamaraan natin ngayon,” pahayag ni Go.

Bukod sa pagpapalakas sa sports programs sa grassroots, ipinangako rin ng senador na ipagpapatuloy ang pagpapalakas sa health sector ng bansa, partikular ang mga serbisyong iniaalok sa Malasakit Centers at Super Health Centers sa buong bansa.

“Sa ngayon po bilang Committee Chair on Health sa Senado, ang priority ko po ay itong Malasakit Centers, to improve our healthcare system. The more we should invest sa ating healthcare system (kaya inisyatibo ko rin po) itong pagtatayo ng mga Super Health Centers,” pagbabahagi ni Go.

“Kawawa talaga ‘yung mga Pilipino. Sa totoo lang, minsan nanganganak na lang sa taxi, nanganganak sa tricycle kasi napakalayo ng ospital. Ngayon, mayroon na silang sariling Super Health Center doon mismo sa lugar nila. Panganganak lang, simpleng mga gano’n, pwede na po doon sa Super Health Center. I’m sure sa mga probinsya ninyo magkakaroon, it will be spread all over the country po ‘yang Super Health Centers,” dagdag pa niya. RNT