Mga biyahero nag-‘overnight’ sa PITX para makauwi sa Bagong Taon

Mga biyahero nag-‘overnight’ sa PITX para makauwi sa Bagong Taon

December 30, 2021 @ 2:50 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Ilang pasahero ang piniling sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) na lamang magpalipas ng gabi upang maghintay sa mahabang pila para sa trip tickets pauwi sa kani-kanilang probinsya.

Ilang biyahero ang hindi na nakapagpahinga sa paghihintay na makabili sila ng kanilang tiket, ayon sa ulat sa Unang Balita nitong Huwebes.

Karamihan sa mga biyahero sa PITX ay patungo sa Bicol region.

Maging ang mga magtutungo sa Batangas ay nagtiis din sa mahabang pila para makabili ng kanilang tiket.

Umapela naman ang mga pasahero para sa online booking para sa Batangas upang maiwasan ang mahabang pila sa PITX. RNT/SA