Mga biyahero nagsisibalikan na – PCG

Mga biyahero nagsisibalikan na – PCG

January 1, 2023 @ 12:07 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Unti-unti nang nagsisibalikan sa kani-kanilang destinasyon ang libu-libong indibidwal matapos ang mahabang bakasyon ngayong holiday season.

Sa monitoring ng Philippine Coast Guard (PCG) kabuuang 3,752 outbound at 4,603 inbound passengers ang naitala sa lahat ng daungan sa buong bansa mula alas-12 ng madaling araw hanggang alas-6 ng umaga ngayong unang araw ng 2023 o Enero 1.

Bukod dito, 1,864 na naka-deploy na frontline personnel sa 15 PCG Districts ang nag-inspeksyon sa kabuuang 47 vessels at 107 motorbanca para sa Oplan Biyaheng Ayos: Pasko 2022.

Mula Disyembre 2022 ay inilagay ng PCG ang lahat ng district stations at sub-stations nito sa ‘heightened alert’ para pamahalaan ang pagdagsa ng mga pasahero sa daungan sa panahon ng Yuletide Season.

Ito ay tatagal naman hanggang Enero 7, 2023 dahil inaasahan na marami pa rin ang bibiyahe para makabalik sa kanilang mga trabaho. Jocelyn Tabangcura-Domenden