Mga biyahero, residente pinag-iingat ni PBBM sa bagyong Paeng

Mga biyahero, residente pinag-iingat ni PBBM sa bagyong Paeng

October 29, 2022 @ 9:18 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Pinayuhan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga residente sa mga lugar na labis na naapektuhan ng Tropical Storm Paeng na mag-ingat laban sa weather disturbance.

Partikular na tinukoy ng Pangulo ay ang mga uuwi ng lalawigan dahil na rin sa long weekend bilang paggunita sa Undas 2022.

“#PaengPH may reach severe tropical storm category, resulting in heavy rains in parts of Luzon and Visayas tomorrow,” ayon kay Marcos sa kanyang Twitter account.

“All those in the affected areas are advised to take precautions, particularly those who plan to travel this long weekend,” dagdag na wika nito.

Nauna nang idineklara ni Pangulong Marcos ang Oktubre 31, araw ng Lunes bilang special non-working day at ang Nobyembre 1 na regular holiday dahil sa All Saint’s Day.

SInabi ng Punong Ehekutibo na ang mga ahensiya ng pamahalaan ay nakahanda para sa rescue operations.

Kabilang na rito ang Armed Forces of the Philippines, Bureau of Fire Protection, Philippine Coast Guard, Philippine National Police, at Metro Manila Development Authority.

Tinuran pa rin ng Pangulo na may inihanda ng food and non-food items ang Department of Social Welfare and Developmenty (DSWD) sa mga high-risk areas.

“The Office of Civil Defense has deployed its assets for transportation and clearing operations,” ayon kay Marcos.

“Our prayers go to the lives lost in the Aklan, Capiz, and BARMM flash floods, and to those who continue to be gravely affected by this calamity,” lahad nito. Kris Jose