MGA BUNDOK NG BASURA SA MGA SEMENTERYO

MGA BUNDOK NG BASURA SA MGA SEMENTERYO

November 4, 2022 @ 1:40 AM 4 weeks ago


TUMAMBAD ang bundok ng basura dahil sa patuloy na pagbayo ng bagyong “Paeng” kaya agad namang nagbigay ng panukala ang Department of Finance na buwisan ang single-use plastics para kumita ang pa-mahalaan.

Malaki kasi umano na kikitain kapag ipinatupad ito.Napag-alaman na kikita ang gobyerno sa pagbubuwis sa single-use plastics pero wala pang linaw na nakikita kung paano masusulusyonan ang plastic pollution.

Tiyak na patuloy ang produksyon ng plastic kahit pa taasan ng buwis.

Unang dapat daw gawin ay magkaroon din ang pamahalaan ng kampanya kung paano maitatapon ng maayos ng ating mamamayan ang mga plastic upang maiwasan ang pagkasira ng kapaligiran.

Pangalawa ay ibawal ang pagtatapon sa kung saan-saan at ipatupad ang recycling ng basura.

Nitong nakaraang Undas, nabatid na hindi pa rin natututo ang mga taong bumibisita sa sementeryo dahil hanggang ngayon ay wala pa rin silang disiplina sa pagtatapon ng kani-kanilag mga basura sapagkat bagaman may mga nakapaskil sa mga gate ng sementeryo na huwag iiwanan ang basura sa mga bibisitahing puntod, matigas pa rin ang ulo ng mga ito at iniiwan pa rin ang kanilang mga basura sa mismong puntod ng kanilang dinalaw na namayapang mahal sa buhay.

Ginawa nilang malaking basurahan ang sementeryo.

Sa totoo lang bayan,  maraming sementeryo sa buong bansa na makikita ang namumulaklak sa plastic na basura at naka-amba ang lalo pang paglubha ng plastik pollution.

Dalawang taon na namahinga ang mga sementeryo dahil bawal ang pag-tungo ng mga tao bunga ng pandemya dulot ng COVID-19 pero ngayong balik na naman ang pagtungo ng mga tao sa sementeryo ay nakaririmarin na ang tanawin dito dahil sa bundok ng basura.

Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764,09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com o juandesabog48@gmail.com