Mga bus, ‘di puro taxi, i-deploy sa NAIA – Recto

Mga bus, ‘di puro taxi, i-deploy sa NAIA – Recto

February 25, 2023 @ 4:48 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Inihirit ni House Deputy Speaker at Batangas 6th district Rep. Ralph Recto sa mga awtoridad na mag-deploy ng mas maraming bus sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) mula sa pick-up points gaya ng mga mall at sa carousel system patungo sa mga terminal sa NAIA.

Sinabi ni Recto nitong Sabado na layunin ng panukala na ang pagpapakalat ng mas maraming bus sa NAIA ay murang “low-hanging fruits like curbside improvements”.

“Kung kaya nating umutang ng P356 bilyon at hukayin ang ilalim ng lupa para sa isang subway, siguro naman mas madali ang pag-deploy ng maraming bus,” sabi ni Recto.

Iginiit ni Recto na dapat magkasa ang pamahalaan ng abot-kayang mass transportation sa NAIA, “and in the absence of trains, buses are the next best choice”.

Sa Pilipinas, ang mga taxis– bagama’t mahal– ang pinakamadaling paraan para makapunta mula point A hanggang B mula airport, partikular sa NAIA.

“Sa lahat ng airports sa buong mundo, ang buses ay bahagi ng isang integrated transportation system servicing an airport,” ani Recto.

“This is so because an air passenger’s experience and comfort extend beyond an airport’s gate. The global trend in airport management is how to make it easier and faster for people to go to an airport,” dagdag niya.

Hindi umano dapat maging limitado sa taxi at iba pang vehicles-for-hire ang sasakyan ng arriving air passenger.

“If we have liberalized the air industry, then we should do the same for land transportation to and from the airport.” RNT/SA