Mga dahilan ng pagtaas ng presyo ng itlog ipinaliwanag

Mga dahilan ng pagtaas ng presyo ng itlog ipinaliwanag

November 30, 2022 @ 4:34 PM 2 months ago


MANILA, Philippines –  Bird flu, mababang produksyon at pagtaas ng presyo ng feeds.

Ito ang ilan sa mga dahilan kung bakit sumirit ang presyo ng itlog sa merkado ayon kay Philippine Egg Board Association Gregorio San Diego.

“Kakaunti na ang production at medyo tumaas ang demand dahil maraming produkto ang ginagamit ng itlog tulad ng leche flan, cake kaya tumaas ang presyo,” ani San Diego sa interbyu sa Teleradyo.

“Nung nalugi ang mga nasa broilers noong isang taon, lumipat sila sa layer. Recently yung mga may puhunan pa na nalugi sa baboy dahil sa [African swine fever], lumipat din sa layer. Sabi nila dito na tayo kasi walang kalaban na imported, “paliwanag niya.

“Ang problema naman hindi ni-regulate ng Department of Agriculture. Dumami nang dumami yung pumasok sa negosyo ng itlog kaya noong last quarter ng last year, nag-umpisa nang malugi yung mga farmers at ang karamihan sa tumigil ay yung mga small at medium na producers. Yung iba naman na malaki tinamaan ng bird flu.”

“Problema kasi cost of production mas mataas dahil sa cost of feeds. Nagtaas ng 50 pesos per bag of feed,” dagdag pa niya..

“Even if we raise farmgate prices, hindi pa rin kami kumikita dahil sa taas ng feed. Pinakamurang source ng protein ang itlog pero dahil sa hirap ng buhay, tumumal kami mula sa tumaas ang presyo.”

Ang farmgate prices ng medium-sized na itlog ay kasalukuyang nakatakda sa P6.20 sa Batangas at P7 sa Pampanga at Bulacan.

Nauna nang sinabi ng Department of Agriculture na normal lang na bumaba ang supply ng itlog sa panahon ng malamig na panahon. RNT