Mga dalagita, mas mapusok kapag depress

Mga dalagita, mas mapusok kapag depress

November 13, 2018 @ 6:00 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Nasa 3 milyong Pilipino ang nakakaranas ng “depressive disorder”, ayon sa pag-aaral ng World Health Organization nitong 2017. Hindi biro ang pagkakaroon ng depresyon sapagkat maraming masamang bagay na maaaring maging kasunod nito gaya na lamang ng suicide.

Kung pag-uusapan naman ang sex, isang pag-aaral na nalathala sa Journal of Psychology ang nakatuklas na depresyon ang nangungunang dahilan ng kakulangan sa ligtas na pakikipagtalik ng mga teenager na babae, ayon sa Psycology Today.

Sa isang taong pagsusuri ni Dr. Puja Seth at kaniyang mga kasamahan sa mga sintomas ng depresyon at sexual behavior ng mga dalagitang African-American, natuklasan na ang mga nakararanas ng depresyon ang madalas na hindi nagre-request gumamit ng condom sa kanilang mga partner. Sila rin ay natuklasang nagkakaroon ng maraming sexual partner o fuck buddy at madalas na nakikipagtalik lalo na kung nakainom ng alak o may impluwensiya ng droga.

Ayon kay Seth, isa sa mga rason kung paano nagiging dahilan ang depresyon sa hindi maingat na pakikipagtalik ay dahil kinakailangan masyado ng effort ang paglalagay ng condom o ‘di kaya’y pakikipagtawaran sa partner.

Kinakitaan din ng mababang self esteem ang mga naturang dalagita kaya’t wala silang pakialam kung ano mang makuha nilang sakit o maging bunga ng kanilang ginagawa.

Isa pang pag-aaral ang nagpakita ng kaparehong resulta, ang mga dalagitang nakakaranas ng depresyon ay madalas na nakikipagtalik ng hindi gumagamit ng condom o iba pang contraceptives.

Ito ay totoong nangyayari kahit na ang mga depressed at non-depressed na teenager ay may alam kung paano nakatutulong ang mga contraceptives sa pag-iwas sa STD o pagkabuntis./Remate News Team