Mga dam ligtas sa bagyong Karding – Antiporda

Mga dam ligtas sa bagyong Karding – Antiporda

September 26, 2022 @ 2:04 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Tiniyak ni National Irrigation Administration (NIA) Administrator Benny Antiporda sa publiko na walang pinsala na natamo ang ating mga dam bunsod ng Super Typhoon Karding na humagupit sa mga lalawigan sa Luzon.

Kaugnay nito, sinabi ni Antiporda na patuloy na naka-monitor at binabantayan ng NIA ang mga dam sa bansa matapos humagupit ang bagyo.

Sa pulong balitaan ngayong Lunes, Setyembre 26 ay sinabi ni Antiporda na tinutukan nilang mabuti ang Pantabangan at Magat Dam na malapit sa dinaanan ng bagyo.

Dagdag pa niya, wala rin iniulat na pag-apaw ng mga dam na karaniwang dahilan ng mga pagbaha sa nakaraang mga kalamidad.

Tanging ang Bulo dam na matatagpuan sa Brgy. Malibay, San Miguel, Bulacan ang nakapagtala ng pag-apaw na isang open dam o tuloy-tuloy ang pag-agos ng tubig kung kaya’t hindi ito maiiwasan na umapaw.

“Walang damage sa ating mga dam sa pagtama ng bagyong Karding,” ayon kay Antiporda.

Samantala tiniyak ni Antiporda na patuloy na nakikipagtulungan ang NIA sa mga local government units (LGU).

“We are close coordinating with local government units,” ani pa ni Antiporda.

Bilang pagtatapos, sinabi pa niya ma patuloy na nakikipagtulungan ang ahensya sa mga private sectors upang mahusay na maisagawa ang mga proyekto ng NIA at mabigyan ng patubig ang malaking bilang ng agricultural land batay na rin sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na matiyak ang food security sa bansa. Santi Celario