Mga dapat gawin kapag nakaramdam ng “Cravings”

Mga dapat gawin kapag nakaramdam ng “Cravings”

July 25, 2018 @ 7:33 PM 5 years ago


“Parang gusto ko ng matamis… gusto ko ng maalat.”

Sino ba naman sa atin ang hindi nakararamdam ng ‘cravings’ o ‘yung feeling na parang may gusto kang kainin o malasahan?

Ang cravings pala ay ang pagkain na kulang at hinahanap ng ating katawan. Alam ninyo ba, na isa sa mga nakapagpapataba pala sa tao ay ang maling pagsunod sa ‘cravings’.

Narito ang limang cravings at ang mga pwedeng kainin:

#1. “Gusto ko ng Chocolate”

Ang chocolate ang isa sa pinaka-common na cravings sa buong mundo. Kaya naman kung mapapansin mo, kahit saang tindahan ay may chocolate. Pero ang totoo palang kailangan ng katawan ay Magnesium. Mayroon kasing magnesium ang mga tsokolate pero kung ang usapan ay ‘healthy goals’ at ‘fitness first’, mas mainam kung ibang mga pagkain gaya ng :

  • Dark chocolate
  • nuts and seeds
  • medjool dates

#2. “Parang masarap mag-pasta… at tinapay”

‘Comfort foods’ kung tawagin ang mga pagkain na may carbohydrates. Nakapagpo-produce kasi ang brain ng ‘serotin’ o yung happy hormones kapag kumakain ng carbo-foods gaya ng pasta ang tinapay.

Pero para iwas din sa hindi magandang fats dulot ng carbs mas mainam kung ang kainin ay ang mga sumusunod:

  • Sweet potatoes
  • Lentils
  • Milk
  • eggs ,at
  • bananas

 

#3. “Masarap ata ‘yung matamis ngayon’

Kendi, cake, icecream. Kahit anong matamis. Ito yung hinahanap natin kapag kailangan natin ng mineral na chromium sa ating diet. Ang mineral na ito ang siyang nagbibigay glucose sa ating cells. Pero sabi nga nila, kapag sobra, masama. Kapag nasobrahan kasi tayo sa sugar, tiyak na diabetes ang kalaban.

Kaya narito ang mga pagkain na pwede nating kainin kapag naghahanap tayo ng matamis:

  • Grape juice
  • whole grains
  • green vegetables
  • apples

 

#4. “ Gusto ko ng burger!”

Burger, sausage, steak, sisig at lahat ng pagkain na mataas ang iron. Iyan ang cravings ng mga taong nagkukulang sa red blood cells, possible dahil sa pagod, at marami pang iba.

Pero ‘pag nasobrahan naman nito ay tiyak na aangat ng labis ang blood pressure.

Narito ang ilan sa mga pagkain na may iron na pwede nating ipalit sa cravings:

  • Lean meat
  • Fish
  • pulses
  • spinach

 

#5 ‘Parang gusto ko ng something na maalat’

Kapag pala naghahanap tayo ng maalat, ayon sa mga research ay ‘pahinga’ ang katapat. Stress pala ang number 1 na dahilan kung bakit gusto natin ng maalat. Kapag kasi stress tayo, naglalabas ang ating ‘adrenal glands’ ng mga hormones na siyang nagpapababa sa ating sodium.

At dahil nga normal na ang stress sa ating buhay, hindi rin ibig sabihin na dapat kumain tayo ng maalat na pagkain dahil masama ito sa ating kidney o bato.

Narito ang mga mainam na pagkain na pwede nating kainin kapag may nag-crave tayo sa maalat:

  • Popcorn, beans
  • Potatoes
  • herbal teas

Bukod sa mga pagkain, mas maganda pa rin ang mag-relax na lang o magyoga. (Remate News Team)