Mga dapat gawin sa pagbuga ng abo ng Taal, pinaalala ng DOH

Mga dapat gawin sa pagbuga ng abo ng Taal, pinaalala ng DOH

January 12, 2020 @ 8:52 PM 1 year ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Naglabas ng paalala o patnubay ang Department of Health (DOH) kaugnay sa nararanasang ash fall mula sa nag-aalburutong bulkang Taal.

Ayon sa DOH Health Advisory, ang ash fall o pag-ulan ng abo ay ang mala-pulbos, malabuhangin at maliliit na butil sa hangin mula sa sumasabog na bulkan.

Ang abong ito ay naglalaman ng carbon dioxide at flourine na maaring magdulot ng masamang epekto sa kalusogan ng taong makakalanghap nito.

Kabilang sa magiging epekto ay ang mga sumusunod:

  • Pangangati ng mata, ilong at lalamunan
  • Matinding pag-ubo at hirap sa paghinga
  • Iritasyon sa balat
  • Pinsala na dulot ng nagibang bubong o aksidente dahil sa madulas na mga kalsada

Ayon pa sa DOH, may mga ilang bagay na dapat gawin upang maiwasan ang ash fall.

  • Iwasang lumabas ng bahay at isara ang pintuan at bintana;
  • Magsabit ng mamasa-masang kurtina sa pintuan at bintana upang hindi pumasok ang mga abo;
  • Gumamit ng maskara pantakip sa ilong at bibig;
  • Protektahan ang mata, gumamit ng salamin o goggles?;
  • Ilagay sa mga ligtas na lugar ang mga alagang hayop;
  • Linisin ang mga abo sa bubungan ng bahay upang hindi gumuho;
  • Alamin ang sitwasyon ng kalsada bago bumiyahe. Sumunod sa mga batas trapiko.

Payo ng DOH sa publiko, manatili na lamang sa loob ng bahay upang hindi na makaranas pa ng anumang problema o makalangahap ng mga bumagasak na abo o ash fall. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)


  •  
  •  
  •