MGA DAPAT GAWIN SAKALING MAY SINTOMAS NG COVID-19

MGA DAPAT GAWIN SAKALING MAY SINTOMAS NG COVID-19

April 3, 2021 @ 12:15 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

ANO nga ba ang dapat nating gawin sakaling makaranas tayo ng sintomas ng sakit na COVID-19 gaya ng lagnat, ubo, sipon at pananakit ng lalamunan?

Kapag ganito ang inyong nararanasan ay huwag ninyong balewalain ang ganitong sintomas ng sakit.

Sinabi ni Infectious disease expert na si Dr. Rontgene Solante na dapat ay paalahanan ulit ang publiko na hindi pa tapos ang pandemya.

Dapat daw ay ibalik ‘yung compliance sa minimum health protocol, okay lang daw na mag-increase ang mobility pero dagdagan lang ang ingat.

Ayon pa sa eksperto hindi rin dapat balewalain o magkampante sa oras kung kailan nagsimula ang sintomas ng sakit gaya nga ng ubo, sipon, lagnat at pananakit ng lalamunan.

Palaging tandaan kapag nakaranas kayo ng ganitong sintomas ay agad kayong mag-isolate o kaya humiwalay agad kayo sa inyong pamilya para hindi kayo makahawa bago makipag-ugnayan agad sa inyong barangay health workers o kaya tumawag kayo sa family doctor ninyo.

Pero kung hindi naman emergency case magpakonsulta o humingi muna ng rekomendasyon sa pamamagitan ng tawag bago pumunta sa isolation facility o sa hospital.

Ang isa pang dapat na tandaan ng ating mamamayan ay iwasan natin ang mag-self-medication at huwag na huwag ninyong balewalain ang sakit na ito dahil ang sakit na ito ang siyang gugupo sa inyong mga katawan.

Ang isa pang mahalaga rito ay iwasan po ninyo na uminom ng gamot na hindi niresta ni Oki doki Dok o family doctor ninyo.

Bilin pa ni Doc. Solante na hindi dapat mag-isolate sa bahay dahil baka raw may posibilidad na maipasa ang virus sa inyong pamilya kaya baka ang mangyari nito ay pami-pamilya kayong tinamaan ng nasabing sakit.

Kaya kayo mga kababayan ko, para maiwasan ninyo na mahawaaan o magkaroon ng sakit na ito ay ugaliin ninyong magsuot ng face mask, mag-disenfect at palaging maghugas ng kamay at iwanan ang magpunta sa mga matataong lugar gaya ng restaurant, mall, sinehan at marami pang iba….

BOOKIES NA ‘DI MAGIBA-GIBA

Ngayon naman dumako tayo sa Valenzuela sa bayan na pinaglilingkuran ng mga magkakapatid na Gatchalian na kung saan ay pinamumugaran ito ng bookies ng lotteng na ino-operate nina Tony at Sammy na pawang dating katiwala ng namayapang si Jun Moriones.

Ayon sa impo, isang dating pulis naman na kinilalang si Lasyones ang tagabigay ng intelihensya nina Sammy at Tony mula sa local samantalang ito namang si alyas Sammy ang direkta namang nagdadala ng intelihensya sa national at iba pang unit ng PNP.

Walang bukambibig si alyas Sammy kundi kumpare niya si Major. Ramirez ng Intelligence Unit ng Valenzuela at ang waswit naman ni alyas Sammy ay nagtatrabaho naman kay Mayor Rex Gatchalian.

Kaya naman pala hindi kumikilos si yorme laban sa talamak na bookies ng lotteng nina si Sammy at Tony dahil ‘yung asawa pala ni Uncle Sam hindi ko lang alam kung sekretarya o katiwaldas ni yorme….

E maging ‘yung hepe ng Valenzuela, ang balita ko ay hindi kumikilos dahil may bumulong sa akin na may tinatanggap daw ito.

Ang sabi ay 80 mil daw linggo-linggo, ang laki nu’n ah???

 Totoots ba ito, Mayor Rex Gatchalian?

oOo

Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764,09266719269 o i-email sa [email protected] o [email protected]


  •  
  •  
  •