Mga dayuhan binalaan ng BI sa fixers

Mga dayuhan binalaan ng BI sa fixers

October 21, 2022 @ 6:12 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nagbabala ang Bureau of Immigration (BI) sa lahat ng dayuhan na huwag makipag-transaksyon sa mga “fixers” hinggil sa pagproseso ng kanilang mga dokumento.

Ang naturang babala ay sinabi ni BI Commissioner Norman Tansingco bunsod sa mga ulat na kanilang natanggap na ilang indibidwal ang nag-aalok ng kanilang serbisyo sa mga dayuhan na mag-ayos sa kanilang mga dokumento kapalit ng malaking halaga.

“My office has received reports that scammers are charging exorbitant amounts and promising to fix their problems,” ayon kay Tansingco.

Ayon pa kay Tansingco, ginagamit ng mga scammers ang apps na WeChat para makapanloko.

“This is a scam. Do not even attempt to deal with these scammers, they will not help you with your case. It is best to just follow the law, lest be faced with more problems,” paalala nito. JAY Reyes