Mga dayuhang estudyante planong papasukin ng Japan

Mga dayuhang estudyante planong papasukin ng Japan

January 17, 2022 @ 8:05 AM 7 months ago


TOKYO — Pinaplano na ng Japanese government na payagan ang muling pagpasok ng mga dayuhang estudyante sa bansa sa gitna ng pagkalat ng Omicron variant, ayon sa ilang mga source.

Sa unang hakbang, papayagan muna ng Japan government ang pagpasok ng 100- government-sponsored students sa Pebrero.

Matapos ang masusing pag-aaralan, dito ikokonsidera ng gobyerno ng Japan kung ipagpapatuloy bai to, habang minomonitor ang mga infections sa mga kabahayan at ibang bansa.

Sa ngayon kasi ay sinuspinde ng gobyerno ang mga bagong pagpasok ng mga dayuhang estudyante mula sa buong mundo.

Kasama sa unang prayoridad na papasukin sa bansa ay ang mga government-sponsored foreign student na nauna nang sumasailalim sa online classes sa Japanese universities kahit nasa kani-kanilang mga sariling bansa pero hindi makagraduate o makapasa sa susunod na taon nang hindi kumukuha ng in-person classes.

Bilang partikular, kalahok sa mga prayoridad ang mga estudyante sa science department.

Kapag natuloy ito, ang mga dayuhang estudyante na papasok ng Japan ay magkukwarantin muna ng 10 araw sa hotel o iba pang pasilidad na hinanda ng Education, Culture, Sports, Science and Technology Ministry, bago sila makapasok. RNT