Mga dayuhang manlalakbay na may maling contact details mananagot sa batas – DOH

Mga dayuhang manlalakbay na may maling contact details mananagot sa batas – DOH

December 8, 2021 @ 3:06 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Pananagutin sa ilalim ng batas ang mga dayuhan oras na sadyaing magbigay ng maling impormasyon o contact details sa kanilang declaration form, ayon sa Department of Health (DOH).

Sinabi ni Health Usec Maria Rosario Vergeire na ito ay batay sa RA ng Notifiable diseases.

“Yes sa RA ng Notifiable diseases and ung health declaration forms once we sign it are attested dapat to be true.”

Ang pahayag ng opisyal ay kaugnay sa unang iniulat na walong overseas Filipino workers na galing ng South Africa na hindi pa natatagpuan dahil sa maling impormasyon at contact number na inilagay sa kanilang health declaration form.

Sa kasalukuyan, sinabi ng DOH na pito (7) na lamang ang nawawala dahil ang isa ay natagpuan na at kasalukuyang sumasailalim sa home quarantine.

Negatibo rin ito sa RT-PCR test at walang anumang simtomas. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)