Mga deboto dagsa sa ‘First Friday Mass’ sa Quiapo

Mga deboto dagsa sa ‘First Friday Mass’ sa Quiapo

October 7, 2022 @ 3:59 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Dagsa sa unang araw ng Biyernes sa buwan ng Octobre ang mga Deboto at ng mananampalataya ng Itim na Nazareno o Black Nazarene sa bahagi ng Quiapo Church sa Lungsod ng Maynila.

Sa mga sandaling ito ay marami parin ang mga deboto na papunta at patuloy na naghihintay na makasapasok sa loob ng simbahan dahilan upang mapuno ng mga deboto ang mga kalsada ng Villalobos, Carriedo hanggang makapasok ng Plaza Miranda.

Sa kabila naman ng opsyonal na lamang na pagsusuot ng face masks sa outdoor areas, kapansin-pansin na pawang mga nakasuot pa rin ng face masks ang mga deboto.

Mahigpit rin tinututukan ang pagsunod ng publiko sa health and safety protocol kabilang na ang social distancing.

Bantay-sarado rin ng mga tauhan ng Manila Police District sa pangunguna ni PCapt. Rowel Robles ang Plaza Miranda Quaipo upang mapantili ang seguridad sa lugar.

Pinananatili rin ng mga Hijos ang pagiging organisado ng sitwasyon sa loob at labas ng simbahan.

Nagdulot naman ng bahagyang pagsikip sa daloy ng trapiko sa Quezon Boulevard ang pagdagsa ng mga tao sa ‘First Friday’ celebration sa Quiapo Church. Crismon Heramis