Mga delegado ng SRCA, malugod na tinanggap sa PH Red Cross

Mga delegado ng SRCA, malugod na tinanggap sa PH Red Cross

May 31, 2022 @ 12:50 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Malugod na tinanggap ng Philippine Red Cross (PRC) ang mga delegado mula sa Saudi Red Crescent Authority (SRCA) noong Mayo 25-26, 2022.Dumalo sa aktibidad sina Engr. Saad Mohammed Al Qahtani, SRCA Vice President for Shared Services and Head of Delegation, and SCRA delegates, Dr. Mohammed Al Swaiah, Director of Academic Affairs and Training, Mshael Al Yahya, VP Office Manager, and Abdulaziz Al Otaibi, International Relations and Partnerships Manager.Malugod silang tinanggap ni PRC Chairman at CEO Richard Gordon at PRC Secretary General Elizabeth Zavalla.

Ibinahagi ng mga PRC managers sa mga delegado ang iba’t ibang serbisyo at pinakamahuhusay na kagawian ng PRC hanggang sa posibleng mga lugar ng pakikipagsosyo.

Binisita din ng mga delegado ang PRC Operations Center na nagsisilbing nerve center ng organisasyon na namumuno, kumokontrol, at naghahatid ng impormasyon.“We are grateful that SCRA delegates are here with us to discuss partnership possibilities with the PRC. We are one in achieving our vision to alleviate human suffering and uplift the dignity of the most vulnerable,” sabi ni Chairman Gordon .Sinaliksik din ng mga delegado ang mga lugar ng partnership sa National Blood Center, Molecular Laboratory, Hemodialysis Center, at Emergency Response Unit sa Port Area, Manila at PRC Manila Chapter sa Intramuros.

Layon ng two-day visit na magtatag ng mga estratehikong pakikipagsosyo sa mga lugar na pinagkakaabalahan ng magkabilang lipunan. Jocelyn Tabangcura-Domenden