MGA ‘DI BAKUNADO, 1ST DOSE PA LANG ‘WAG PALABASIN NG BAHAY–SOLON

MGA ‘DI BAKUNADO, 1ST DOSE PA LANG ‘WAG PALABASIN NG BAHAY–SOLON

January 4, 2022 @ 7:15 PM 7 months ago


PAALALA ng mga kongresista, huwag munang palabasin sa kanilang mga ta­hanan ang mga hindi bakunado at nakaka-1st dose pa lamang ng bakuna laban sa COVID-19.

Ang babalang ito ay kaugnay sa mahigpit na pagpapatupad muli ng Alert level 3 sa National Capital Region simula Enero 3-15.

Kaya ‘yung mga hindi pa bakunado at mga naka-1st pa lamang mangyari ay pinapaalalahanan po kayo.

Ito ang isa sa mga mungkahi ni BHW Partylist Rep. Angelica Natasha Co dahil sa walang puknat na paglobo muli ng mga kaso ng COVID-19 at banta ng Omicron variant.

Nilinaw naman ni BHW Partylist  Co na dapat nga naman na himukin ng mga LGU ang mga hindi bakunado at 1st dose pa lang ang bakuna na boluntaryong manatili sa kanilang mga bahay.

Kaya nga ang nakalulungkot ay babalik na naman tayo sa Alert Level 3 dahil sa mabilis na pagkalat ng virus na Omicron variant na dala po ng isang balikbayan.

Kaya naman nanawagan ang nasabing kongresista sa mga LGU sa NCR na dapat ay magpatupad ng localized lockdown sa kani-kanilang mga nasasakupan laban sa mga kalye, blocks, compound, residential, condos, magkakapitbahay sa mga komuniddad, mga opisina at mga bahay kung may mga positibong kaso rito.

O, hayan ang babala, mga kababayan ko, sana ay natuto na po tayo sa mga pinagdaanan natin noong mga nakaraang taon para naman hindi na maulit at kumalat sa pamayanan ang mga sinasabing mapamuksang virus na Omicron.

PATULOY ANG PANGONGOTONG SA CAMANAVA

Sa Camanava area, sa kabila ng patuloy ang   pandemya sa bansa, patuloy naman na nangongolekta sa mga iligal na pasugalan sa kasagsagan ng Kapasukuhan itong isang alyas King.

Ang tanong: Alam kaya ni Northern Disrtict Police/BGen. Jose Hildago na ‘yung isang alyas King ay patuloy ang ginagawang pangongotong gamit ang pangalan niya?

Nagtatanong lang po ako.

oOo

Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764,09266719269 o i-email sa [email protected] o [email protected]