Mga ‘di bakunado dahil sa medikal na kondisyon ‘wag paghigpitan- Abalos

Mga ‘di bakunado dahil sa medikal na kondisyon ‘wag paghigpitan- Abalos

January 4, 2022 @ 3:50 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Iginiit ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairperson Benhur Abalos nitong Martes na ang mga indibidwal na hindi pa bakunado dahil sa medikal na kondisyon ay hindi dapat saklaw ng mga restriksyon sa mga hindi bakunadong indibidwal sa National Capital Region sa ilalim ng Alert Level 3.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Abalos na nasa 100,000 hanggang 250,000 ang hindi pa nababakunahan laban sa coronavirus disease (COVID-19) sa Metro Manila.

“They should be really exempted. I mean, of course, that’s very understandable, that’s medical condition,” pahayag niya.

Nitong Lunes, inilahad ni Abalos na napagkasunduan ng Metro Manila Council (MMC) na maghigpit sa paglabas ng mga hindi pa bakunado sa NCR sa ilalim ng Alert Level 3. RNT/SA