Mga ‘di bakunado mas tatamaan ng COVID variants – expert

Mga ‘di bakunado mas tatamaan ng COVID variants – expert

January 20, 2022 @ 12:31 PM 7 months ago


Manila, Philippines – Iginiit ni infectious disease specialist Dr. Edsel Salvana na may mataas na tsansa ang mga hindi bakunado na tamaan ng mga bagong variant ng COVID-19.

Sa panayam sa Dobol B TV, sinabi ni Salvana na mas bukas ang mga hindi bakunado sa viral loads dahil sa mabilis na replikasyon ng virus kumpara sa mga bakunado.

 “Dahil mas mabilis ang replication ng virus sa isang taong unvaccinated, mas mataas yung tsansa na maglabas sila ng mga mutation at mga bagong variant.”

Maaalalang naghigpit na rin ang gobyerno sa mga hindi pa bakunado sahil sa patuloy na paglobo ng kaso ng COVID sa bansa.

Partikular na rito ang hindi pagpapasakay sa mga hindi pa natuturukan ng COVID vaccine sa pampublikong transportasyon at hindi pagpapalabas ng bahay kung hindi bibili ng pangunahing pangangailangan. RNT/FGDC