Mga ‘di bakunado sumusunod sa stay home policy —DILG

Mga ‘di bakunado sumusunod sa stay home policy —DILG

January 11, 2022 @ 8:11 AM 7 months ago


MANILA, Philippines – Iniulat ng Department of the Interior and Local Government na sumusunod naman ang mga indibidwal na manatili sa kanilang mga bahay, base na rin sa direktiba ng gobyerno sa gitna ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

“Sa ngayon naman po ay nakikita natin ang pagsunod ng ating mga kababayan,” ani Interior Secretary Eduardo Año sa ulat niya kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Talk to the Nation, Lunes ng gabi.

Sa kabila nito, sinabi ni Año na may mga nahuhuli pa ring hindi nakasuot ng face masks, pero nabawasan na ang insidente ng mass gatherings at paglabag sa physical distancing.

Dagdag pa niya, naiulat ang nasa 45,234 face mask violators, 32,559 rito ang pinagsabihan; 6,030 ang pinagmulta; 3,300 ang isinalalim sa community service; 165 ang nakatakdang i-inquest; at 3,180 na ang nasa regular filing.

Umabot din sa 108 violators ng mass gatherings ang binalaan.

Sa kabilang banda, nakapagtala rin ng 19,423 violators ng physical distancing, 17,985 ang pinagsabihan; 329 ang pinagmulta; 903 ang isinailalim sa community service; at 206 ang inaresto.

Matatandaan na inatasan ni Duterte ang mga barangay official noong nakaraang linggo na higpitan at panatilihing nasa loob ng bahay ang mga hindi bakundong indibdiwal, maliban na lamang kung importante ang dahilan ng kanilang paglabas.

Sinabi niya na maaaring arestuhin ang mga pasaway na hindi bakunado, pero nilinaw naman ni Ano nitong Lunes na pauuwiin lang ang mga ito. RNT