Mga ‘di bakunado tututukan ng barangay – Densing

Mga ‘di bakunado tututukan ng barangay – Densing

January 14, 2022 @ 11:20 AM 7 months ago


Manila, Philippines – Tututukan ng mga opisyal ng barangay ang mga indibidwal na hindi pa bakunado laban sa COVID.

Ito ay upang matiyak na hindi sila makagagala o makalalabas ng walang dahilan.

Giit ni Interior Undersecretary Epimaco Densing sa panayam ng CNN, aatasan din nila ang barangay officials na magkaroon ng kumpletong imbentaryo sa vaccination status ng kanilang nasasakupan sa pagsasagawa ng bahay-bahay.

“Once the individuals, specifically the unvaccinated will be identified, they will now be monitored for the purposes of whether or not they will go out of their residence for purposes of procuring essential goods and services,” paliwanag ni Densing.

“If they will go out for nonessential purposes, they will be asked to return to their houses.”

Kung lalabag naman ang mga hindi bakunado ay aarestuhin naman sila at dadalhin sa barangay.

“Under the Revised Penal Code if you do not follow a person in authority or follow a valid order from a higher authority — in this case the President — they will not be arrested because they’re unvaccinated, but because they did not follow instructions or directives of a person in authority,” lahad pa ni Densing. RNT/FGDC