Mga ‘di bakunadong biyahero binantayan ng awtoridad sa QC

Mga ‘di bakunadong biyahero binantayan ng awtoridad sa QC

January 18, 2022 @ 2:54 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Umasiste ang Quezon City task force Disiplina at mga tauhan ng MMDA sa inspeksyon ng vaccination cards sa mga biyahero sa kahabaan ng Philcoa sa Quezon City sa implementasyon ng “no vaccine, no ride” policy.

Gayundin, binantayan ng Inter-Agency Council for Traffic (IACT) at PNP-Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang mga hindi bakunadong indibidwal sa Quezon Avenue route sa kahabaan ng Commonwealth Avenue sa Quezon City. Danny Querubin