Mga ‘di bakunadong pasahero bibigyan muna ng warning —PNP-HPG NCR

Mga ‘di bakunadong pasahero bibigyan muna ng warning —PNP-HPG NCR

January 15, 2022 @ 11:28 AM 4 days ago


Manila, Philippines – Makatatanggap muna ng warning ang mga pasaherong hindi bakunado sa COVID sa unang linggo ng pagpapatupad ng “no vaccination, no ride” policy, ayon sa Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) ng  National Capital Region (NCR).

“Warning muna po within one week… Pero hindi pa rin natin pasasakayin [sa pampublikong transportasyon]. Pababalikin o pauuwiin,” lahad ni PNP-HPG NCR chief Police Lieutenant Colonel Joel Mendoza sa panayam sa Dobol B TV.

Maaalalang nag-isyu ang Department of Transportation (DOTr) ng Department Order No. 2022-001 noong Enero 11, 2022 na naglilimita sa access sa pampublikong transportasyon sa mga bakunado laban sa COVID.

Nauna ring sinabi ni Transportation Undersecretary for Administrative Service Artemio Tuazon na buo itong ipatutupad sa Enero 17 upang mabigyan pa ng oras ang publiko.

“Ang pinakatrabaho ng Regional Highway Patrol Unit ay mag-aassist sa mga kababayan natin na sumasakay sa mga pampublikong sasakyan. Una pong titingnan natin ang kanilang vaccine card.” RNT/FGDC