Mga ‘di pa bakunado vs COVID ban muna sa PUVs — DOTr

Mga ‘di pa bakunado vs COVID ban muna sa PUVs — DOTr

January 4, 2022 @ 1:23 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Hindi muna pasasakayin ang mga hindi pa bakunadong indibidwal sa mga pampublikong sasakyan sa Metro Manila na nasa ilalim ng Alert Level 3, batay sa Department of Transportation (DOTr).

Sinabing ito ay kaugnay sa resolusyong inisyu ng Metro Manila Council at aprubado ng mga mayor.

Sakop na dito ang land, sea, at air public transport.

Papayagan naman ang mga hindi bakunado bibili ng goods and services.

“The DOTr and its attached agencies shall closely coordinate with the Metropolitan Manila Development Authority on the enforcement of the said policy.”

Nagbabala naman ang DOTr sa mga operator na sundin ang maximum capacity. RNT/FGDC