Mga ‘di pa bakunadong Pinoy, magsimba ‘virtually’ – Nograles

Mga ‘di pa bakunadong Pinoy, magsimba ‘virtually’ – Nograles

December 15, 2021 @ 6:29 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Hinikayat ng Malakanyang ang mga hindi pa bakunadong indibiduwal na makabubuting dumalo ng “Simbang Gabi” o traditional early morning mass, virtually o sa online.

Ang panukalang ito ni acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles ay bunsod na rin ng pagsisimula ng Simbang Gabi bukas, Disyembre 16 habang ang ilan naman ay ngayong gabi, Disyembre 15.

“Sa mga hindi pa po bakunado, mas mainam po na mag-attend na lang po ng online or virtual Simbang Gabi. Mas mainam po, magpabakuna na po tayo. Ingat po ang lahat,” ayon kay Nograles.

Bilang general rule para sa pagdalo sa pre-dawn mass, hinikayat ni Nogarels ang church-goers na patuloy na i-obserba ang minimum public health standards (MPHS).

“Mag-mask po, hugas, iwas pa rin po tayo lalo na nandyan pa rin yung banta ng Omicron variant,” ang pahayag ni Nograles.

Samantala, ang buong bansa ay kasalukuyang nasa ilalim ng alert level 2, second most lenient classification sa ikalim ng Alert Level System (ALS) para sa COVID-19 response. Kris Jose