Mga dilawan, ‘wag paniwalaan – PRRD

Mga dilawan, ‘wag paniwalaan – PRRD

September 15, 2020 @ 7:20 AM 7 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Hinikayat at umapela si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa publiko na huwag maniwala sa mga dilawan o oposisyon na patuloy na nagpapakalat ng kritisismo  sa gitna ng pandemyang kinakaharap ng bansa.

“‘Wag po sana kayong maniwala diyan sa mga dilawan, sa oposisyon dito na hampas dito, hampas doon, kung ano pinagsasabi,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang public address, Lunes ng gabi.

“For as long as the virus lives on this planet, we are in real danger,” dagdag na pahayag ni Pangulong Duterte.

Naniniwala ang Pangulo na ang anumang sasabihin ng mga dilawan ay makapagbibigay lamang ng stress sa taong makaririnig ng mga pinagsasabi ng mga ito.

“’Wag ho kayo maniwala. Dito lang. Kami dito lahat, Senator (Bong) Go, Secretary (Carlito) Galvez, Secretary (Francisco) Duque, Secretary (Delfin) Lorenzana, Secretary (Eduardo) Año… we did not joined government to lie,” ayon kay Pangulong Duterte.

“We do not have any obligation at all to lie, bakit kami magsisinungaling eh hindi namin trabaho ‘yan at ‘di naman kami pumasok sa trabaho para magsinungaling,” ayon pansa Pangulo sabay sabing. “Maski noong grade 1 o 2, alam na namin ano ang pagmamahal sa bayan.”

Kaya nga ang pakiusap ng Pangulo sa publiko ay huwag kaagad na maniwala sa bawat  sasabihin ng mga dilawan o oposisyon.

“‘Wag kang basta na lang maniwala na ganito, ganito,” ayon sa Pangulo. Kris Jose


  •  
  •  
  •