Mga doktor na nagbigay ng unregistered vax, importers, distributors kakasuhan – FDA

Mga doktor na nagbigay ng unregistered vax, importers, distributors kakasuhan – FDA

July 14, 2021 @ 2:48 PM 1 year ago


Manila, Philippines – Mananagot ang mga doktor kasama ang importers , distributors, sellers na magbibigay ng hindi registradong produkto kasama na ang bakuna.

Babala ito ng Food and Drug Administration kasunod ng ulat na tumanggap ng dalawa pang “booster” shots ng Pfizer-BioNtech COVID-19 vaccine si San Juan Representative Ronaldo Zamora matapos siyang makakumpleto ng Sinopharm  COVID-19 vaccine.

Giit ni FDA Director General Eric Domingo, bawal magpasok ng gamot na hindi rehistrado.

Gayunman, sa iallim ng batas ay wala namang pananagutan  ang isang indibidwal na nakatanggap ng bakuna na hindi registrado.

Maalala na una na ring ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na karamihan sa mga miyembro ng Presidential Security Group o PSG  gayundin ang ibang pang personalidad na umaming nakatanggap ng nasabing brand ng bakuna.

Ang compassionate use permit ng Sinopharm ay inaprubahan naman ng FDA noong Pebrero.

Pero ayon sa FDA, nito lamang June napagkalooban ng emergency use authorization ang Sinopharm. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)