Mga eksena sa show ni Herlene, tinapon!

Mga eksena sa show ni Herlene, tinapon!

October 30, 2022 @ 11:50 AM 4 weeks ago


Manila, Philippines – Naka-first taping day lang ang kauna-unahang show ni Herlene Budol sa GMA, ang Magandang Dilag.

Kinailangan munang isantabi ni Herlene ang kanyang showbiz work in preparation sa kanyang paglahok sa Miss Planet International.

Sa November 19 na idaraos sa Kampala, Uganda.

Only then will Herlene resume taping pag balik niya sa bansa, hopefully with the title.

‘Yun nga lang, balitang tapon o reject ang mga eksenang kinunan sa first taping day.

Ang tsika, hindi raw nagustuhan ng mga bossing ng GMA ang prosthetics ni Herlene.

Nakakaintriga tuloy ang kuwento ng Magandang Dilag dahil may involved na prosthetics

May cosmetic surgery bang pinagdaanan ang karakter ni Herlene as in chaka noon, gandara na ngayon?

Anywqy, gumaganap na ina ni Herlene si Sandy Andolong.

Sandy has nothing but praises for Herlene na aniya’y totoong tao at wala ni katiting na pretensyon.

Si Sandy rin ang gumanap bilang nanay ni Sanya Lopez sa First Lady.

Mukhang may hatid na suwerte ang asawa ni Christopher de Leon sa mga GMA stars she plays mother to.

Ang Magandang Dilag ay inaasahang isa sa mga sasalubunging pasabog sa 2023. Ronnie Carrasco III