MGA ENVOY NG US, JAPAN, INDIA, SOUTH KOREA  BUMISITA KAY BBM

MGA ENVOY NG US, JAPAN, INDIA, SOUTH KOREA  BUMISITA KAY BBM

May 27, 2022 @ 7:09 PM 1 month ago


MAGKAKASUNOD na nag-courtesy call kay President-elect President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., ang apat na diplomat mula sa Amerika, Japan, South Korea at India sa BBM Headquarters sa Mandaluyong City nito lamang nakalipas na Lunes ng umaga.

Unang bumisita kay Marcos si Japanese Ambassador to the Philippines Kazuhiko Koshikawa  alas-9:00 ng umaga, kasunod si South Korean Ambassador Kim Inchul na dumating  alas-10:00 ng umaga.

Alas-11:00 ng umaga, nagpugay rin kay Marcos si Indian Ambassador Shambhu S. Kumaran, kasunod si US Chargé d’ Affaires Heather Variava na dumating bago mag-alas-12:00 ng tanghali.

Sa pakikipagpulong kay Marcos, tiniyak ng mga envoy ang pag-papalakas sa ugnayan sa ‘trade and diplomacy’ ng kani-kanilang bansa sa Pilipinas, gayundin ang iisang layunin sa pagsu-sulong ng matatag na demokras-ya, ‘self-determination,’ at ‘economic recovery.’

Tiniyak aniya ng apat na diplomat ang kahandaan nilang magbigay ng tulong sa Pilipinas, lalo na sa mga programang may kaugnayan sa pagbangon ng ekono-miya na pinalugmok ng pandemya.

“Ang lagi ko lang pinapaalala sa kanila, sinasabi ko, palagay ko sa pandemyang ito, ang recovery ng lahat natin ay hindi kakayanin ng kahit ng isang bansa kahit na gaano kayaman.

Kaila-ngan the partnership will be the one that will bring us to keep the global economy as stable as possible,” sabi pa ni Marcos.

“As you know, nakatatanggap na ako ng congratulatory messages from heads of states, nakausap ko na sila. Ang unang nakatawag sa amin ay si US President Joe Biden, and Chinese President Xi,” dagdag pa ni Marcos.

“Also, Japanese Prime Minister Kishida, I even spoke with the outgoing Prime Minister of Australia, PM Morrison who had just went through an election.

“So, marami na talagang nangyayari, we’re already being recognized, This new administration is being recognized a mukha namang wala ng problema sa recognition. Maybe the comfortable margin that we enjoy during the election has a part to play with that,” wika pa niya.

Maliban sa Indian ambassador, ang tatlo pang diplomat ay tumanggi nang magpa-interview sa mga mamamahayag.

Sa kanyang panig, siniguro ni Marcos na ang Pilipinas ay nananatiling kaibigan, ka-partner at kaalyado ng apat na bansa.

Si Marcos, ang kauna-una-hang majority President simula noong 1986 dahil nanalo via landslide sa nakuhang mahigit 31.6 millyon boto nitong nakalipas na  May 9 national elections.

Nauna nang nagpahayag ng suporta at pagbati sa paparating na Marcos administration ang mga ‘powerful leaders’ ng bansang US, China, Russia, Japan, South Korea at mga pinuno ng European Union.

Pinuri rin ng mga ito ang pagkakaroon ng malinis, maayos at mapayapang eleksyon ng Pilipinas.