Mga epekto ng climate change, kalamidad kahaharapin ng sunod na admin – DENR exec

Mga epekto ng climate change, kalamidad kahaharapin ng sunod na admin – DENR exec

May 27, 2022 @ 4:12 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Sinabi ng opisyal ng Department of Environment and Natural Resources nitong Biyernes na kahaharapin umano ng susunod na administrasyon ang hamon ng mga epekto ng climate change at mga kalamidad, at inirekomenda na ipagpatuloy ang mga programa ng kasalukuyang administrasyon at mahigpit na ipatupad ang environmental laws.

Nanawagan si DENR Undersecretary Jonas Leones na ituloy ang Task Force Build Back Better, ang task force na magpapabilis sa post-disaster efforts.

“Marami tayong ginagawa sa DENR ngayon, ang challenge natin yung epekto ng climate change, marami tayong mga nae-expect na bagyo mga calamity, landslides,” aniya sa Laging Handa briefing.

“Kaya sa panahon ngayon ng ating Pangulong [Rodrigo] Duterte mayroon tayong Task Force Build Back Better so tayo yung pagkatapos ng mga sakuna calamity yung mga ahensya, full government approach nagtutulong tulong para marestore yung mga lugar na nasalanta ng bagyo so ito yung dapat natin maipropose sa susunod na administrasyon na dapat ituloy,” patuloy pa ni Leones.

Nilagdaan ni Duterte noong Nobyembre 2022 ang Executive Order No. 120 na bubuo sa Task Force Build Back Better upang masiguro ang post-disaster rehabilitation at recovery efforts sa mga lugar na sinalanta ng bagyo.

“Aming ahensya kasi mandated to protect the environment and conserve the natural resources so Ito dapat yung pagtuunan namin ng pansin maisabi natin na iimplement strictly yung mga batas kagaya ng Clean Water Act at Solid Waste Management Act,” aniya.

“So ito yung ang problema ng ating mga lalo na yung mga local na pamahalaan lalo na yung basura so ito dapat yung matutukan at bigyan ng pansin,” dagdag pa ng opisyal ng DENR. RNT/SA