Mga estudyante, magulang nais pa ring magsuot ng face mask sa paaralan!

Mga estudyante, magulang nais pa ring magsuot ng face mask sa paaralan!

November 3, 2022 @ 7:59 PM 1 month ago


TINGNAN: Sa kabila ng anunsyo ng Department of Education na boluntaryo na lamang ang pagsusuot ng face mask maging sa loob ng mga silid-aralan, pinili pa rin ng mga estudyante na magsuot nito.

Ito ay bilang pag-iingat na rin sa banta ng COVID-19 at mas pinipili rin ng mga magulang na pagsuotin ng face masks ang kanilang mga anak para na rin sa kanilang seguridad.

Matatandaan na pinuna ng ilang grupo ang naging polisiya na ito ng DepEd dahil lubhang napakadelikado para sa mga bata ang ma-expose sa nakahahawang virus.

Larawan kuha ni Crismon Heramis