Mga estudyanteng Pinoy, hirap pa rin sa e-learning – UPBL study

Mga estudyanteng Pinoy, hirap pa rin sa e-learning – UPBL study

July 8, 2021 @ 4:40 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Marami pa ring Pilipinong estudyante ang nahihirapan pagdating sa learner control sa gitna ng pagpapatupad ng online learning dahil sa pandemya.

Sa pag-aaral na isinagawa ng University of the Philippines Los Baños (UPLB) nitong Hunyo, makikita na handa ang mga estudyanteng Pinoy sa pagpapakita ng wastong kasanayan sa computer at internet pero hindi naman sila handa pagdating sa learner control.

Ang “learner control” ay tumutukoy sa kontrol ng isang mag-aaral sa kanyang pagsisikap na atasan ang sarili na matuto.

Nangangahulugan din ito na ang isang estudyante ay kayang gumawa ng sariling desisyon na isinasaalang-alang ang pagkakasunud-sunod, bilis, daloy, at dami ng tagubilin.

Samantala, lumabas din sa pag-aaral na isa sa mga hamon sa online learning ay ang posibleng pagkagambala ng ibang online activities.

“It is important to emphasize that there are students with responsibility in their own family. How would they be able to balance their responsibility from home and from academics?” saad ng isa sa mga lumahok sa pag-aaral.

Nakatutok din ang research sa pag-iimbestiga sa kahandaan ng mga eatudyanteng Pilipino sa e-learning sa higher education sa gitna ng pandemya gamit ang limang dimensyon gaya ng computer o internet self-efficacy, self-directed learning, learner control, motivation for learning, at online communication self-efficacy.

Ang research na pinamagatang, “Assessment of Filipino Higher Education Students’ Readiness for e-Learning During a Pandemic: A Rasch Technique Application,” ay isinagawa noong 2020 at nilahukan ng 290 estudyante mula sa UPBL. RNT