Mga flights na kanselado dahil sa sama ng panahon, alamin

Mga flights na kanselado dahil sa sama ng panahon, alamin

July 16, 2018 @ 12:44 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Dalawang domestic flight ng CebGo ang kinansela ngayong umaga dahil sa masamang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), hindi na natuloy ang biyahe ng CebGo na may flight DG 6075/6076 mula manila patungong Tablas, Romblon at pabalik ng Manila.

Ang naturang kanselasyon ay bunsod ng masamang lagay ng panahon, dulot habagat at bagyong Henry.

Pinayuhan ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa kanilang airline company para sa rebooking o refund sa kanilang mga ticket. (Dave Baluyot)