Mga ‘gimik’ para ‘di ‘traumatic’ sa pagbakuna sa 5-11, pinuri ni Digong

Mga ‘gimik’ para ‘di ‘traumatic’ sa pagbakuna sa 5-11, pinuri ni Digong

February 22, 2022 @ 8:58 AM 4 months ago


MANILA, Philippines – Pinuri ni Pangulong Rodrigo Duterte ang joint efforts ng mga ahensiya ng gobyerno, local government units, at pribadong sektor matapos na gawing non-traumatic ang pagbabakuna sa mga kabataan na may edad na 5 hanggang 11 taong gulang.

Sa kanyang Talk to the People, Lunes ng gabi, pinasalamatan ng Pangulo ang mga medical professionals at iba pang healthcare workers na boluntaryong nakiisa sa vaccination program ng pamahalaan at maging sa malalayong komunidad sa bansa.

“I send my gratitude for making it possible. Each and every one of you, maraming salamat sa inyo at minsan natuturuan ninyo ang gobyerno ninyo,” ayon sa Pangulo.

Aniya, ang lahat ng COVID-19 vaccines na ginamit sa Pilipinas ay sumailalim sa masusing pag-aaral upang matiyak ang kalidad, kaligtasan at epektibo nito.

Hinikayat ng Punong Ehekutibo ang mga eligible fully vaccinated Filipino na kumuha na ng kanilang karagdagang proteksyon laban sa nakamamatay na Covid-19 at variants nito, sa pamamagitan ng pag-avail ng booster shots.

Sa kasalukuyan, may kabuuang 62,505,204 Filipino ang fully vaccinated, kumakatawan ito sa 69% na target ng pamahalaan na 90 milyong filipino sa pagtatapos ng HUnyo 2022.

Samantala, sa naging ulat naman ni Health Secretary Francisco Duque III sa Pangulo, sinabi nito na napagtagumpayan at nalampasan na ng Pilipinas ang “umbok” ng Omicron variant ng COVID-19.

Ang bansa aniya sa ngayon ay nasa low-risk case classification, maliban sa Cordillera Administrative Region na nananatiling nasa “moderate risk case” status.

Sinabi ni Duque na maliban sa Davao Region, ang healthcare utilization rates ng nasabing mga rehiyon ay nasa low risk din. Kris Jose