Mga guro may P1K insentibo sa Nat’l Teachers’ Month

Mga guro may P1K insentibo sa Nat’l Teachers’ Month

September 9, 2022 @ 7:35 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – May P1,000 insentibo ang mga guro sa pampublikong paaralan sa pagdiriwang ng National Teachers’ Month.

Inanunsyo ito ng Department of Education (DepEd) nitong Huwebes.

Ipinagdiriwang ang National Teachers’ Month mula Setyembre 5 hanggang Oktubre 5. Nagsagawa ng kick-off ceremony ang DepEd noong Setyembre 6.

Sa press conference, binigyang-diin ni DepEd Spokesperson Michael Poa ang mahalagang papel ng mga guro sa pag-aalaga ng mga mag-aaral, na nangakong gagawin ng ahensya ang lahat upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan.

“Hindi po tayo mapapagod na makinig sa kanilang hinaing. Hindi man natin mabibigyan ng resolusyon overnight, over the next few weeks, [pero] talagang adhikain natin sa Department of Education na matugunan ang kanilang mga suliranin,” ani Poa. RNT