Mga guro na may COVID exposure, close contact may paid leaves – DepEd

Mga guro na may COVID exposure, close contact may paid leaves – DepEd

October 7, 2022 @ 4:37 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Sinabi ng Department of Education ngayong Biyernes, Oktubre 7 na maaaring makakuha ng excused absence o paid leave ang sinumang guro na magpopositibo sa COVID-19 o magkakaroon ng close contact exposure.

Ayon kay DepEd spokesperson Michael Poa, bahagi ang probisyon ng Department Order 39 na inilabas noong Setyembre 20.

“Excused absence means they will be marked absent but they will still be paid their salaries. This is stated under DepEd Order 39 which is based on CSC (Civil Service Commission) Memorandum Circular Number 2, Series of 2022,” ani Poa sa pulong balitaan.

Sa kabila nito, sinabi ni Poa na nakaugnay pa rin sa CSC memorandum circular na siyang may mandator sa limit ng paid leaves.

“Our teachers are civil servants, and are under civil service, so as to their rules, in terms of excused absences and the like, sumusunod po tayo sa CSC kasi sila ang may mandato riyan,” paliwanag niya.

“We have to follow DOH (Department of Health) guidelines for close contact. As to the limit, we will refer to the CSC memorandum circular,” dagdag pa ni Poa.

Ayon naman sa CSC memorandum, sinasabi nito na: “In the event of circumstances abovementioned wherein the employee has exhausted his/her sick leave credits, Section 56 of the Omnibus Rules on Leave shall apply allowing the use of vacation leave credits in lieu of sick leave credits. In case the vacation leave credits have been exhausted, the employee may apply for sick leave of absence without pay.”

Maliban sa paid leaves ng mga gurong tinamaan ng COVID-19, kabilang rin sa probisyon ng DepEd Order No. 39 ang opsyonal na pagsusuot ng face masks sa ‘outdoor settings’, mandatory handwashing facilities sa mga paaralan at group hand washing activity sa mga mag-aaral.

“Why a group hand washing activity? Lalo na sa mga bata, ‘pag nakikita nila iyong mga kasama nila na sabay sabay sila naghuhugas ng kamay, may naeenganyo sila at mas nagiging habit sa kanila ang paghuhugas ng kamay,” aniya. RNT/JGC