Mga guro na nagtatrabaho pa rin sa kasagsagan ng pandemya pinuri ni VP Sara

Mga guro na nagtatrabaho pa rin sa kasagsagan ng pandemya pinuri ni VP Sara

August 28, 2022 @ 9:30 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Pinuri ni Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte ang mga guro sa pagsasagawa ng kanilang tungkulin kahit na sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

“During the pandemic, your efforts and honest struggles to withstand uncertainties are priceless. We know that you have weathered through challenges, but true to your advocacy, you have chosen to thrive,” ani VP Duterte sa 66th Foundation Day ng Department of Education Naga City Teachers and Employees Association (DNACITEA) nitong Sabado.

“Kayo ang pangalawang liwanag na nasisilayan ng ating mga kabataan sa araw-araw na pagtuturo. Huwag sana kayong mapagod,” dagdag niya.

Bumisita rin si Duterte sa isang “last-mile school” sa Sitio Lipata, Barangay Gogon sa Caramoan upang pasinayaan ang Lipata Elementary School.

Ang paaralan ay mayroong dalawang one-story buildings na may anim na conducive-to-learning classrooms.

Pinasalamatan din ni Duterte ang mga guro sa pagkilala niya ng kanilang pagsisikap na makapagbigay-kaalaman sa kabila ng kakulangan sa pasilidad sa lugar.

Tiniyak din niya ang suporta sa education sector.

“As you continue to employ innovative techniques to pave way for recovery and normalcy, we walk with you. Hindi natin hahayaang masayang ang inyong mga magagandang nasimulan. Magpapatuloy tayo at mas lalo nating palalawigin ang ating mga proyekto at programa para sa mga guro at mga mag-aaral at ng teaching staff ng Department of Education,” pahayag niya. RNT/SA