Mga guro napag-iwanan na nanaman sa SONA-solon

Mga guro napag-iwanan na nanaman sa SONA-solon

July 26, 2022 @ 7:52 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Binatikos ni ACT Teachers Partylist Rep. France Castro ang kawalang plano pa rin ng bagong administrasyong Marcos sa sitwasyon ng mga guro na walang banggit ukol sa dagdag-sahod sa State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Bukod dito tahimik din umano si Pangulong Marcos at walang plano sa problema sa  disinformation, fake news, human rights violations at korapsyon.

Wala din umanong malinaw na plano para sa school reopening habang nakaamba ang banta ng COVID sa oras na magkaroon na face-to-face classes.

Dismayado rin si Castro sa patuloy na pamimilit ng pamahalaan na gamitin ang English bilang medium of instruction gayong maraming estudyanteng Pinoy ang hirap intindihin ang lengguwahe.

Sinabi ni Castro na sa daming binitiwang pangakong pagbabago at paglago ng ekonomiya ni Pangulong Marcos ay wala silang ibang gagawin kundi magbantay.

“We will continue to observe the new Marcos administration to see if it will fulfill its many promises and we will not back down if it push anti-people policies like the so-called rightsizing of government, mandatory ROTC and new taxes” giit pa ni Castro. Gail Mendoza