Mga guro pinuri ni VP Sara sa pagdiriwang ng National Teachers’ Month

Mga guro pinuri ni VP Sara sa pagdiriwang ng National Teachers’ Month

September 7, 2022 @ 10:42 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Binigyang-diin ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte nitong Martes ang paghanga at respeto sa dedikasyon ng mga guro, sa pagdiriwang ng National Teachers’ month.

“Our teachers deserve respect and admiration for their undying dedication to guiding and helping our learners, parents, and guardians when the whole world had to shift to home learning drastically because of the pandemic,” sabi ni Duterte.

“Hindi po biro ang mga hamon na hinaharap ng sektor ng edukasyon ngayon. Alam ko ang hirap, pagod, at mga sakripisyo ng mga guro nasa public school man o nasa private school, lalong-lalo na ang mga nagsisilbi sa mga malalayo at liblib na lugar,” dagdag niya.

Sinabi ni Duterte na ang pagkilala sa mga guro ay isa ring “personal value”, dahil naniniwala umano siya sa kahalagahan ng papel nila sa paghasa sa Filipino youth.

“My great grandmother, Fortunata Gonzales-Roa, served as a public school teacher at the Cabadbaran South Central Elementary School in Cabadbaran, Agusan del Norte for many years. The mother of former President Rodrigo Duterte, our lola, Soledad Roa Duterte, was an educator herself who put up a school for Lumad children in Davao City when she was still alive. And, as a child, I could still remember the many times I sat at the table with my mother, Elizabeth, to check the test papers of her students in the Philippine Women’s College in Davao,” paggunita ng bise presidente.

Kasabay nito, ginamit ng Teachers Dignity Coalition (TDC)ang oportunidad na isulong ang reporma sa polisiya.

“Higit sa anumang masaya at malapistang aktibidad, higit na mararamadaman ng mga guro ang pagpapahalaga kung ito ay maitatransporma sa mga polisiya ng estado. Matagal nang nagdurusa ang mg guro sa mababang pasahod, mabigat na trabaho, kawalan ng mga benepisyo, palpak na sistema ng GSIS, hindi pagpapatupad ng Magna Carta for Public School Teachers,” ani TDC chairperson Benjo Basas.

Tiniyak naman ni Duterte na aaksyunan ng DepEd ang kanilang mga apela.

“Ang Kagawaran ay magsusumikap sa pagtuon sa mga hinaing at mga pangangailangan ng ating mga guro. Pagmamahal, respeto, at suporta,” sabi niya.

“Sinasalamin ninyo ang tibay at puso ng ating bansang Pilipinas. The future belongs to the youth, but without our teachers, what kind of future could this be?” dagdag ni Duterte.

Aarangkada ang national teacher’s month hanggang Oktubre 5. RNT/SA