Mga hakbang ni PBBM magpapalago ng ekonomiya – Quimbo

Mga hakbang ni PBBM magpapalago ng ekonomiya – Quimbo

November 13, 2022 @ 12:22 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Naniniwala si Marikina City 2nd district Rep. Stella Quimbo na ang pagpapalawak ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng ayuda o subsidy program ay isang paraan upang mapalago ang ekonomiya ng bansa.

“We welcome these developments. Despite high inflation in the third quarter of 2022, we saw growth in output in the same quarter. On the supply side, all sectors grew. At the same time, domestic demand remained robust,” oto ang sinabi ni Quimbo, senior vice chairperson of the House Committee on Appropriations nitong Linggo, Nobyembre 13.

Ang tinutukoy ni Quimbo ay ang 7.6 percent na paglago sa gross domestic product (GDP) na naitala sa ikatlong bahagi ng 2022 na nasa ilalim ng pamumuno ni Marcos.

“At this point, the best defense against inflation is domestic output expansion. The government has been providing fuel and fertilizer subsidies to boost agricultural production. We should consider expanding this program to better support our producers,” aniya.

Matatandaan na target ng administrasyon ang probisyon sa P206.5 bilyon na halaga ng subsidiya at cash aid sa ilalim ng proposed 2023 national budget bilang suporta sa mga nasa vulnerable sectors sa tumataas na presyo ng mga bilihin.

DSWD naman ang makakakuha ng malaking bahagi ng badyet na ito o P165.4 bilyon na nailaan para sa pagpapatupad ng iba’t ibang social assistance programs.

Makakakuha rin ng bahagi ng pondo ang Department of Health (DOH), Department of Labor and Employment (DOLE), at Development of Agriculture (DA).

Mapapalakas din ani Quimbo ang pagbibigay ng ayuda sa mga apektadong sektor upang mapalakas ang paggastos.

“This enables greater consumption and well-being, especially when targeted to the most vulnerable sectors. We see the relevance of providing immediate assistance to qualified Filipinos through programs such as the Assistance to Individuals in Crisis Situations or AICS program of DSWD,” aniya.

“While the peso depreciation has been raised as a concern by some sectors, this can be an opportunity for exporters to boost their sales. In fact, exports grew by 13.1 percent in the third quarter. As the economy slowly reopens, we should exploit the existing advantage of the sectors that stand to gain from a weakening peso, such as tourism and export industries,” dagdag pa niya. RNT/JGC