Mga hamon sa nursing profession sa Pinas, idudulog ng grupo sa ILO

Mga hamon sa nursing profession sa Pinas, idudulog ng grupo sa ILO

January 23, 2023 @ 11:52 AM 1 week ago


MANILA, Philippines- Nanawagan ang Filipino Nurses United (FNU) sa International Labor Organization-High Level Tripartite Mission (ILO-HLTM) na imbestigahan ang posibleng paglabag sa work standards sa nursing profession sa bansa.

Sinabi ng FNU nitong Linggo na komunsulta ito sa ilang nurse administrators mula sa iba’t ibang health care facilities at sinabi sa kanila na nahihirapan ang mga nurse dahil sa understaffing, paghawak ng 20 hanggang 50 pasyente at pagtatrabaho ng 12 hanggang 16 oras nang walang overtime pay.

“This is in contrary to the Department of Health (DOH) nurse to patient ratio standard of 1 nurse to 12 patients per duty shift in general ward (patients requiring minimum level of care),” anang grupo.

Sinabi pa ng FNU na halos 36,000 government nurses ay contractual workers na tinatawag na job order nurses o Nurse Deployment Program (NDP) nurses.

“Labor standards on work hours, nurse to patient ratio and security of tenure are basic nurses’ rights that have been violated. This sad plight has led to further massive migration of nurses to other countries which offer better pay and work conditions,” paglalahad ng FNU.

“It is in this light that FNU is seeking the intervention of ILO-HLTM on Freedom of Association and Protection of the right to organize Convention 87,” dagdag nito.

Umaasa ang FNU na tutugunan ng pamahalaan ang mga problema ng healthcare workers kapag naidulog nila ang kanilang mga hinaing sa ILO-HLTM, ayon sa ulat nitong Lunes.

“Hinihiling na namin na maipatupad nila ‘yung naaayon sa batas simula dun sa salary grade 15 or P35,000 as a starting salary for public health workers,” ani FNU Vice President Eleonor Nolasco.

Para naman sa DOH, nauna nang sinabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire sa isang press conference na hindi nila mapipigilan ang brain drain ng healthcare workers sa bansa.

“We are proposing to standardize the salaries between private and public healthcare workers para wala nang distinction and it becomes competitive across the different cadres of our healthcare workers. Pangalawa, we are trying to study on how we can further improve the benefits of our healthcare workers,” ayon pa kay Vergeire.

“Itong lahat ay ginagawa natin ngayon so we can further incentivize and further encourage our healthcare workers to stay here in the country and serve the country,” patuloy ng opisyal. RNT/SA