Mga hayop ilikas din sa panahon ng kalamidad – solon

Mga hayop ilikas din sa panahon ng kalamidad – solon

November 2, 2022 @ 9:36 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Isang mambabatas ang nagsusulong ng panukala na tiyakin din na magkakaroon ng evacuation ang mga hayop sa panahon ng kalamidad.

Sa ilalim ng House Bill 1915 o Animal Calamity Rescue Act na inihain ni House Deputy Majority Leader Alfred delos Santos, iginiit niya na dapat magkaroon din ng disaster response ang gobyerno para sa mga hayop.

“The government lacks guidelines on this. There should be efforts to evacuate livestock and work animals because families and enterprises especially in the provinces will depend on these animals post-disaster for their livelihood,” ani delos Santos.

“Some provinces help evacuate animals such as farm carabaos and chickens but this would be on a limited scale. Our bill seeks to have formal animal and livestock rescue measures in place nationwide,” paliwanag pa ng solon.

Sa ilalim ng panukala ay aatasan ang local agriculture at environment officers na syang kikilos katuwang ang mga residente sa gagawing rescue kung saan magtatalaga ng temporary holding areas para sa mga narescue na hayop.

“If mayors and governors work with the constituents on rescuing animals, it can be feasibly done. They could find ways to evacuate both people and animals. They just have to prepare for it,” pagtatapos nito. Gail Mendoza