Mga hotel, negosyo sa Manila Bay rehab area daragsain – Isko

Mga hotel, negosyo sa Manila Bay rehab area daragsain – Isko

September 23, 2020 @ 7:33 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Inaasahang daragsain ng mga turista at malaki ang kikitain ng mga hotel at ibang negosyo sa paligid ng tinaguriang “white sand beach” sa Manila Bay.

Ito ang sinabi ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso kung saan ikinumpara pa nito ang Manila Bay white sand sa Marina Bay sands sa bansang Singapore. Aniya, kahit hindi pa ito pormal na binubuksan sa publiko ay dinaragsa na ito ng mga turista basta’t susunod lamang ang mga ito sa ipinapatupad na health protocols.

“All the hotels in Roxas Boulevard will benefit from this. So businesses will boom. ‘Yung mga negosyo sa Roxas Boulevard ay magkakaroon ng high demand in a matter of time,” ani Domagoso.

Ibinahagi rin ni Domagoso ang iminumungkahing disenyo ng pamahalaang lungsod para sa lalong ikagaganda ng lugar ng Manila Bay na “The Manila Sunrays” kung saan magiging panibagong atrasksyon ito sa lungsod ng Maynila at inaasahang darayuhin din ng mga dayuhan at lokal na turista na mamamasyal sa siyudad.

“In a good weather, someday, somehow, magpatuloy ito,” dagdag pa ng Alkalde.

Bilang bahagi ng Manila Bay rehabilitation program, naglatag ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng 500 tonelada ng “crushed dolomites” sa maliit na bahagi ng baybayin ng Manila Bay upang mapaganda itong lalo.

Sa kabila ng kaliwa’t kanang kritisismo na ibinato sa tinaguriang Manila Bay white sand, binati naman ni Pangulong Rodrigo Duterte si DENR Sec. Ro Cimatu dahil sa ginawa nitong pagpapaganda sa Manila Bay kung saan dinumog ito ng publiko.

Ayon sa Palasyo, ang pagdagsa ng publiko sa Manila Bay ay ipinapakita lamang na tama ang desisyon ng gobyerno hinggil sa isinasagawang nilang pagpapalinis at pagpapaganda sa Manila Bay.    Jay Reyes


  •  
  •  
  •  

Loading...