Mga huwes na lalabag sa kanilang mandato, parurusahan- Gesmundo

Mga huwes na lalabag sa kanilang mandato, parurusahan- Gesmundo

October 7, 2022 @ 6:21 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nagbabala ang Supreme Court na hindi ito magdadalawang isip na parusahan ang mga huwes na mapapatunayan lalabag sa kanilang tungkulin.

Sa kaniyang talumpati sa pagpapasinaya ng bagong Hall of Justice sa Makati City, sinabi ni Chief Justice Alexander G. Gesmundo na anumang paglabag ng isang hukom sa canons for judicial ethics ay mahaharap sa administrative proceedings at papatawan ng kaukulang parusa.

“We will not let go of any shortcomings or misbehavior, or any violation committed by our Judges with respect to our Constitutional mandate.”

Ipinaliwanag ng punong mahistrado na bagaman handa ang SC na protektahan ang mga huwes sa mga walang saysay na kaso laban sa kanila, hindi pa rin sila mangingimi na parusahan ang mga huwes na mapapatunayang lumabag sa kanilang tungkulin at sa saligang batas.

Nilinaw ni Gesmundo ang kahalagahan ng pagiging balanse upang mapaangat ang tingin ng publiko sa hudikatura.

“What we are trying to say now is that we have to shift our mindset of how the people look at the Judiciary. In fact, not only the Judiciary, but the entire legal profession is part of that call to try to improve or innovate,” ani Gesmundo. Teresa Tavares